Wednesday, February 8, 2012

Pagpupugay sa mangingisda ng Nasugbu


Nagawi ako kamakailan sa Nasugbu, Batangas at natiyempuhan ko ang pangingisda ng ilang kababayan doon.

Napakahirap palang mangisda.

Nagsimula kasing hilahin ng mga Batangueno ang lubid ng kanilang lambat mga alas-9 ng umaga at natapos sila halos mag-aalas-tres na ng hapon. At nang mahila ang lambat, nakakalunos na puro basura, strofoam, plastic at wala pang isang banyerang maliliit na isa ang nalambat.

May nakita akong tatlong malalaking isda, pero iyon lamang ang malalaki. Halos lahat ay kasing laki lamang ng aking mga daliri.

Hindi ko tuloy alam kung ako ay maaawa, magagalit o babalewalain ang aking nasaksihan. Upang kahit paano ay maibsan ang kahiwagahan ng aking naramdaman, minabuti kong gawain ang video na ito bilang pagpupugay sa mga mangingisda ng Nasugbu.

At upang ating lubusang maunawaan ang kalagayan ng ating mga mangingisda, bisitahin ang blog na ito http://monleg.blogspot.com/2011/11/mangingisda-nalulunod.html.



No comments:

Post a Comment

Kung may madugong pagtutol, puna o kaya ay trip ninyo lang magtanong, mag-email sa walalangblogs@gmail.com