Kung naghahanap ka ng puwedeng bisitahin dito sa Pilipinas bakit hindi mo subukan ang Antipolo. Hindi lamang sa makasaysayan nitong nakaraan kungdi dahil nakakaingganya itong bisitahin. Hindi kalayuan mula sa Kamaynilaan, katamtaman lang.
Isa sa puwedeng bisitahin ay ang simbahan ng Antipolo. Bagamat hindi ako relihiyoso, nag-enjoy ako sa magandang simbahan nito. Kahit tahasang nilalabanan ng simbahan ng Reproductive Health Bill, puwede pa ring bumisita rito ang mga sumusuporta sa RH.
Nasa ibaba ang ilang larawan na matatagpuan sa Antipolo. Mga kathang kamay ng iba't ibang klase ng mga iniidolo ng mga Katoliko sa naturang simbahan. Pambihira rin ang mga stained glass sa naturang simbahan. Napaka-artistic ng pagkakakagawa.
Ang hindi lamang maganda ay ang labas ng simbahan na tila kinain na ng komersyalismo. Hindi ko maintindihan itong mga lider ng Antipolo, mas gusto pa nila ng mga dayuhang restauraung kaysa i-promote ang sariling atin.
Ito ang marker na nagpapaliwanag sa makasaysayang nakaraang ng simbahan.
Ito ang sa tingin ko ay sumira sa makasaysayang nakaraan ng simbahan. Isang mall na namumutiktik ng mga banyagang fastfood at coffee shops.
Kung maglalakad ka sa kalyeng ito, patungo sa simbahan, kapansin-pansin kaagad ang malaking "pagbabago" sa naturang lugar.
Example ang nasa larawan sa itaas ng napakagagandang mga stained glass sa naturang simbahan.
Natiyempuhan ko pa na may kasalan nung ako ay nakabisita sa naturang simbahan.
Ang istatwa ni Jose Rizal, isa sa mga national heroes natin, na sa likuran ay nabahiran ng kung ano-anong tarpaulin ng mga politiko sa Antipolo. Napaka-traditional talaga ng mga taga-Antipolo, maging ng kanilang mga pinunong lungsod.
Malagintong istatwa ni Juan Sumulong, ang progresibong senador mula sa Rizal Province.
No comments:
Post a Comment
Kung may madugong pagtutol, puna o kaya ay trip ninyo lang magtanong, mag-email sa walalangblogs@gmail.com